Selena, bumaba raw ang self-esteem dahil sa social media

Image from Selena Gomez's Facebook PageImage from Selena Gomez's Facebook Page

Tatlong buwan daw na sumailalim sa gamutan kaugnay ng pagiging depressed at pagbaba ng self-esteem ang pop star na si Selena Gomez.

Ayon sa Bombo Radyo, inanim mismo ng dating Disney Princess na sumailalim siya sa gamutan dahil sa depresyon at pagbaba ng self-esteem; sa kabila ng pagiging ‘most followed person’ sa photo sharing site na Instagram na labis niyang kinahumalingan.

“As soon as I became the most followed person on Instagram, I sort of freaked out. It had become so consuming to me. It’s what I woke up to and went to sleep to. I was an addict, and it felt like I was seeing things I didn’t want to see, like it was putting things in my head that I didn’t want to care about,” saad ng 24-year-old na singer-actress.

[Noong naging ako ang may pinakamaraming followers sa Instagram, sobra akong natuwa. Kinahumalingan ko ang paggamit nito. Dito ako gumigising at dito na rin nakakatulog. Isa akong adik noon at nagsimula akong makakita ng mga bagay na ayaw kong makita, na inilalagay nito sa isip ko ang mga bagay na ayaw ko nang pakialaman. ]

Kaugnay sa nasabing problema, matatandaang biglang umatras si Gomez sa kanyang world tour kamakailan. Aniya nagkaroon siya ng panic attacks bago at matapos makatapak sa stage.

May 30 concerts pa na kinansela si Gomez at lahat ng ito ay upang bigyang-daan ang pagtutok sa kanyang kalusugan. Lumipad siya patungong Tennessee, hindi muna gumamit ng cellphones, para sumailalim sa equine therapy, group therapy, at individual therapy.

Sa ngayon, aniya ay wala na siyang Instagram app sa kanyang cellphone.  Ang kanyang assistant na lamang ang nagpo-post para sa kanya.