Sen. Pangilinan sa Sibakan sa Puwesto sa Kamara: “Demokrasya, Hindi Diktadura”

Public DomainPublic Domain

Nasa demokrasya tayo at hindi diktadura. Hindi dahil tumututol sa ilang mga isyu na tinutulak ng administrasyon ay ibig sabihin ay kaaway na o dapat nang pinaparusahan o tinatanggalan ng komite ang mga halal na opisyal,”

Ito ang maaanghang na pahayag ng pinuno ng Liberal Party na si Sen. Francis Pangilingan kasabay ang pagbatikos ng Liberal Party sa naganap na sibakan sa Kamara sa mga bumoto kontra sa death penalty.

Para kay Pangilinan, ang pagiging independent ng Kongreso ay nawawala na matapos pagtatatanggalin  ang mga mambabatas sa kani-kanilang committee leadership matapos ang pagtutol sa House Bill 4727 o Death Penalty; ayon sa ulat ng PhilStar.

Speaker’s (Pantaleon Alvarez) action is divisive and detrimental to the character of Congress as an independent and deliberative institution,” ani Pangilinan.

In a democracy, dissent must be met with thoughtful reasoning, not political retribution,” saad pa nito.

Sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, Civil Service Panel Chair Vilma Santos-Recto at Basic Education Panel Chair Evelina Escudero ay ilan lamang sa mga nasipa sa puwesto sa liderato ng Kongreso.

Magugunitang binalaan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga mambabatas na sila’y matatanggal sa puwesto kapag sinalungat nila ang panukalang batas.

Inaabangan ang paggulong ng panukalang batas sa Senado kung saan inaasahan na magiging mahigpit ang laban.

Kamakailan ay nauna nang nagkaroon ng sibakan sa  Senado bago sa Kamara nang matanggal din sa committee leaderships sina Pangilinan, Sens. Franklin Drilon, Bam Aquino, Risa Hontiveros at Leila de Lima.

Dito na nabuo ang minorya kasama si Sen. Antonio Trillanes IV.

 

Source :

PhilStar, GMA, GMA

Loading...