Senador Angara sa mga Estudyante, OSY: Summer Job, Handa Na

Public domainPublic domain

Magandang balita para sa mga estudyante!

Mas kapaki-pakinabang ang bakasyon ng mga estudyante kabilang ang mga out-of-school youth (OSY) dahil sa iniaalok na summer job ng pamahalaan.

Ayon sa ulat ng Abante Tonite, hinimok ni Senador Sonny Angara ang mga mag-aaral at OSY na samantalahing mapabilang sa Special Program for the Employment of Students (SPES).

Ayon kay Angara, may akda ng SPES law: “Higit na nanganga­ilangan ng tulong ang ating mga out-of-school youth para ­makabalik sa pag-aaral. Pinalawak ­natin ang sakop ng batas para mas mabigyan sila ng oportunidad na mag-apply sa trabaho para kumita at matustusan ang kanilang pagbabalik eskuwela,

Nakapaloob din sa batas na tanggapin bilang pansamantalang empleyado ng mga employer ang mga mag-aaral sa mga panahong bakasyon ang mga ito tulad ng summer at Christmas vacations.

Magugunitang ibinaba ng Department of Education ang edad mula sa dati nitong 18, na ngayon ay 15-anyos, na maaari na silang silang magtrabaho sa loob ng 78 araw.

Nakasaad sa  batas, 60%  ng kabuuang sahod ng SPES beneficiary ay sasagutin ng kaniyang employer, habang ang  40% ay babayaran naman ng cash ng  gobyerno.

Tinatayang P798 millyon ang inilaan ng Department of Labor and Employment (DOLE)  para sa employment na nasa 120,000 students at out-of-school youth ngayong summer break.

Loading...