Senador De Lima: “Kung Mamatay Ako sa Loob ng Kulungan, Si Duterte ang Nagpapatay sa Akin”

Image capture of video by ABS-CBN Image capture of video by ABS-CBN

Kung sakaling mamatay si Senador Leila De Lima sa loob ng piitan, ito umano’y hindi dahil sa siya’y nagpatiwakal kung hindi siya’y pinapatay ni Pangulong Rodrigo Duterte — ito ang tugon ng Senador sa pekeng balita hinggil sa diumano’y tangkang pagpapatiwakal nito.

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi ni De Lima na ang pekeng balita hinggil sa tangkang pagpapatiwakal nito sa loob ng piitan ng Camp Crame ay bahagi ng pagpapakondisyon sa mga tao sa posibleng pagpatay sa kaniya sa loob ng kulungan.

These fake ‘alternative fact’ news are making the rounds and being encouraged by Duterte’s lapdogs, such as Speaker [Pantaleon] Alvarez, in order to condition the minds of the people that the worst can happen to me while in detention at the PNP Custodial Center, without any fault of the Duterte regime because I supposedly already lost my mind after my arrest,” ani  De Lima.

Tinukoy ng Senador ang naging pahayag ni Speaker Pantaleon Alvarez na siya’y  dapat dalhin sa mental facility sa halip na sa PNP Custodial Center.

Magugunitang sumuko si De Lima noong Pebrero 24, at ipiniit sa PNP Custodial Center sa Camp Crame matapos mag-isyu ng warrant of arrest ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 kaugnay sa paglaganap ng droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Inihalimbawa ni De Lima ang diumano’y pag-assassinate sa journalist na si  Jun Pala sa Davao City; aniya: “definitely do[es] not feel secure and safe inside ‘Duterte’s prisons.‘”

If I die inside Duterte’s prisons it is not because I committed suicide, but it is because the President has finally ordered me killed. In the unfortunate event that I die in prison, you all know who my murderer is,” dagdag pa ng Senador.

[Kung mamamatay ako sa loob ng piitan ni Duterte, ito’y hindi dahil sa ako’y nagpatiwakal, kundi dahil ipinapatay ako ng Pangulo. Kung sa kasamaang-palad na ako’y namatay sa loob ng piitan, kilala n’yo na ang pumatay sa akin.]

May ilang mga pekeng balita ang nagkalat sa social media tungkol sa diumano’y tangkang pagpapakamatay ng Senador sa loob ng piitan ng PNP Custodial Center.

Ayon sa naturang ulat, naospital diumano si De Lima sa PNP General Hospital, sa loob din ng  Camp Crame.

Wala po akong sakit, at buo ang aking pag-iisip. Kaya po walang dahilan na ako ay mamatay sa sakit o magpatiwakal dahil sa lungkot,” ani De Lima.

Loading...