Senador Sotto: “Side Streets sa Metro Manila Gawing No Parking Zone”

Public Domain imagePublic Domain image

Dapat ideklarang no-parking zones ang mga kalsada sa Metro Manila tulad ng Singapore; ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, nitong Martes.

Ayon kay Sotto, ang “silver bullet”, bilang mungkahing solusyon ng traffic sa Metro Manila, ay maglilinis sa mga naka-park nang iligal; nang sa gayon ang mga motorista ay makagagamit ng mga maliliit na kalsada sa halip na malalaking kalsada.

The silver bullet to solve the traffic problem in Metro Manila, especially in EDSA is to declare Metro Manila city streets as a no-parking zone, just like Singapore,” ani Sotto.

Pag no-parking zone lahat ‘yan, at sa parking slot ka lang nakaparada, hindi na dadaan ng EDSA,” dagdag pa ng Senador.

Saad pa ni Sotto, na sa tuwing magmamaneho siya papasok at pauwi mula sa trabaho ay ginagamit niya ang mga side streets sa halip na EDSA at nakararating siya sa kaniyang destinasyon nang mas maaga ng isang oras; ayon sa ulat ng ABS CBN.

But it can be faster if those illegally parked cars are removed from the city streets,” turan ng Senador.

Binigyang diin nito na ‘stupid’ ang mga driver na ipinaparada ang kanilang mga sasakyan sa pampublikong  daanan.

Sinong gumagawa nun? E ‘di yung mga driver din na tanga. They violate the law. Papaano, hindi dumaan sa scrutiny. Ang daling kumuha ng lisensya,” saad pa ni Sotto.

Samantala sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Edgar Galvante ng Land Transportation Office (LTO), na napapanahon na ang mas mahigpit nang pagkuha at renewal ng driver’s license.

Hinimok din ni Sotto ang  LTO sa mas mahigpit na pag-examine ng mga sasakyan at pag-isyu ng road-worthiness clearances.

Source :

ABS CBN, GMA

Loading...
  • Haynakutalaga

    Shet! Nakaisip din, tagal ko ng sinasabi, salamat sa Diyos!! Traffic sa MM katapat ay isang libong tow truck lang. kayang bumili ng sasakyan, kayang magbayad ng parking!