Serena, nais makitang muli ang Marinella co-stars niyang sina Camille at Shaina

Mga imahe mula sa Instagram

Hangad ng dating child star na si Serena Dalrymple na makasamang muli sina Camille Prats at Shaina Magdayao na mga co-star niya sa panghapong teleserye na Marinella.

Sa Instagram, ibinahagi ni Magdayao ang larawan nila ni Prats matapos nilang magkaroon ng “short reunion” kamakailan.

“Awwww! At last! Hindi lang tayo hanggang text at nagkita din tayo sa school mo! Super nice to see you. Looook, it’s Teacher Camille with Camille. Or p’wede din namang si MARIE at si RINA, pero nasan si ELLA? #Marinella I missed you and your kuwento and I’m happy to see you happy, my glowing MimiCams,” ani Magdayao sa caption niya sa photo na ibinahagi niya sa Instagram.

Si Dalrymple ang tinutukoy ni Magdayao na Ella. Humigit-kumulang sa dalawang taon ding nagkasama ang tatlo noon sa afternoon TV series na Marinella. Ipinalabas ang teleserye simula 1999 hanggang 2001.

Sa comment section ng post, tumugon din si Dalrymple  at sinabing nami-miss na rin niyang kasama ang dalawa.

“Miss you, Mimi Cams and Bes! Kelangan natin mag-plan ng reunion!” aniya.

Minsan na ring ibinahagi ni Dalrymple kung gaano niya pinahahalagahan ang mga alaalang nabuo niya bilang isang batang aktres, kasama ang mga kaibigan at iba pang mga nakasama niya.

Panoorin: