Sharon, humingi ng dasal para sa balik-tambalan nila ni Gabby

Mga imahe mula sa YouTube videosMga imahe mula sa YouTube videos

Humingi si Megastar Sharon Cuneta ng panalangin mula mga fans nila ng kanyang dating ka-loveteam at asawa na si  Gabby Concepcion para  sa kanilang balik-tambalan.

Ayon sa Abante, kamakailan ay naging maugong ang usapin na hindi na matutuloy ang reunion movie ng dalawa ngunit nang makausap umano ni Cuneta ang mga personalidad na may kaugnayan dito, siniguro naman daw na maipipilit ito.

“I will pray na lang. Let us pray,” wika ni Cuneta.

[Magdadasal na lang ako. Magdasal tayo.]

Wala naman daw naging problema sa seryeng ginagawa ni Concepcion sa GMA Network at maging sa istasyon kung saan siya nakakontrata. Planado na umano ang lahat para sa comeback movie nila ni Cuneta sa Star Cinema.

Wala naman daw problema sa panig ng aktres na nagpapayat na nga raw — pero ang kampo naman ng aktor ay maraming dahilan.

At nang magpasya na raw si Concepcion at pumayag nang gawin ang reunion movie nila ni Cuneta, ikinagulat umano ng mga taga-Star Cinema ang napakataas na talent fee ng aktor. Hindi umano nila maintindihan, kung kailan nakaplano na ang lahat at pumayag na ito na gawin ang pelikula ay saka naman nagdagdag ng napakalaki sa kanyang talent fee.

Nakatakda sanang umpisahan ang shooting ng kanilang movie noong nakaraang Enero habang sa May naman sana ang itinakdang playdate nito.

Ikinalungkot umano ni Cuneta ang hindi pagkakatuloy ng pelikula. Sobrang effort niya na kasi upang magpapayat para sa pelikula na nagkaproblema lang dahil sa talent fee ni Concepcion.

Samantala, may mungkahi naman ang maraming tagahanga ng Megastar, kung hindi umano matuloy kay Concepcion, puwede naman maging leading man ng aktres si Robin Padilla dahil blockbuster din naman ang tambalan nina Padilla at Cuneta.

Source :

Abante, PhilStar

Loading...