Show ni Kris sa GMA, na-postpone

Imahe mula sa FacebookImahe mula sa Facebook

Malapit na malapit nang matunghayan ang television special ni Kris Aquino na “Trip ni Kris” sa GMA 7 — ngunit bago pa magsimulang umere ang nasabing programa ay naantala na kaagad ang pagpapalabas dito.

Ayon sa Abante, sa April 9, Palm Sunday, ay eere na ang programa ni Aquino. Habang siya  ay nasa Guangzhou, China, inanunsyo ng aktres na ang time slot nito ay pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Dapat sana ay Marso 26 ang unang telecast ng palabas niya ngunit dumating ang isang hindi inaasahang pangyayari.

Noong nakaraang Martes lang ay nanggaling ang aktres para kunan ang “bonding” niya sa mga kalabaw.

Sa kasamaang-palad, naaksidente siya sa bahaging ito ng travel show. Hindi na natapos ang unang episode dahil sa nangyari sa kanya sa taping.

Panoorin ang video na ito tungkol sa aksidenteng naganap kay Kris Aquino:

Loading...