Siyam na bus ng Baliwag Transit nasunog sa loob ng terminal

Image capture of video by GMA News

Nasunog ang siyam na bus ng Baliwag Transit habang nakaparada sa loob ng terminal nito sa Baliwag, Bulacan nitong Linggo, ika-5 ng Marso. Naganap ang insidente dakong alas-dos ng hapon, pahayag ng Bureau of Fire Protection.

Ayon sa ulat ng GMA, pinaniniwalaang nagsimula ang sunog dahil sa mga basura sa loob ng terminal na sinigaan ng hindi pa malaman kung sino. Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa mga tuyong damo sa paligid kung saan nakaparada ang mga bus.

Inabot ng isang oras bago tuluyang naapula ng mga bumbero ang malaking apoy.

Tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga ng mga natupok na mga lumang bus.

Source :

GMA Network, MSN