Sunshine at Timothy, namasyal kasama ang kanilang dalawang anak

Mga imahe mula sa InstagramMga imahe mula sa Instagram

Sa kabila ng lahat ng masasakit at malulungkot na nangyari sa pagitan ng aktres na si Sunshine Dizon at ng kanyang dating asawang si Timothy Tan, nanatili pa rin ang dalawa bilang mga responsableng magulang sa dalawa nilang supling.

Sa bagong Instagram post ni Dizon, makikita kung gaano sila kasaya kasama ang kanilang mga anak habang namamasyal.

“Congratulations Antonio we’re very proud of you,” sabi ng caption ng collage na ibinahagi ni Dizon sa Instagram kasama ang #movingupday.

[Binabati kita, Antonio! Ikinararangal ka namin nang lubos.]

Ikinatuwa ng marami ang nasabing post.

“Pagsubok lang ang dumating sa inyo, ganiyan talaga, maging matatag lang parati mas okay pa ding magkakasama kayo at buo. God bless your family!” wika ni @keanjeh.

“Kinilig ako dito, kayo na lang ulit yey!” ani @kyle_ap2016.

“Hay nakakawala po ng stress makita na buo kayo to support your kids,” sabi ni @docnizee.

“Sana magkabalikan na kayo ni hubby for the kids. There is always a second chance naman,” hiling ni @apr0414.

“Ang pinagsama ng Diyos ay hindi basta-basta maaaring paghiwalayin ng tao lamang. In Jesus name! Hindi mananalo ang kasamaan sa katuwiran ng Diyos,” kumento ni @ssheinj.

Matatandaang nagkaroon umano ng ibang karelasyon si Tan kaya hiniwalayan ito ni Dizon. Ngunit nitong Disyembre, naglabas ito ng public apology para sa aktres at sa kanilang mga anak.

Noong Enero 5, 2017, iniurong ni Dizon ang mga kasong isinampa niya kay Tan at sa umano’y mistress nito na si Charisma Sison. Nag-file na lamang ng annulment ang aktres.

“I think I owe it to myself already to be free of all these. Marami pong bagay sa buhay na kailangan nating tanggapin na hanggang dun na lang talaga. Ang importante sa akin ngayon is ma-save ko ‘yung konting maibibigay ko sa aking mga anak,” wika niya sa isang naunang panayam.

Congratulations Antonio were very proud of you ❤️ #movingupday

A post shared by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on

Source :

Instagram, PEP