Survivors sa Tanay bus tragedy, nagsampa ng P2-milyong kasong sibil laban sa Bestlink College, bus companies

Image capture of video by GMA News

Sa ngalan ng mga estudyante na nakaligtas sa bus accident sa Tanay, isang grupo ng mga abogado ang nagsampa ng kasong sibil laban sa Bestlink College of the Philippines at dalawang bus companies – Panda Coach Tours at Harana Tours.

Ayon sa GMA, si Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection at Atty. Rolando Sibal, abogado ng mga biktima, ay naghain ng civil case para sa breach of contract of carriage at quasi-delict (culpa aquiliana) sa Quezon City Regional Trial Court.

“Civil case ‘to dahil ‘yung driver ay patay na. So we could not file a criminal case against the driver,” ani Inton sa mga reporters.

“We are filing damage for each of them about P2 million for moral and exemplary damages,” dagdag pa niya.

[Maghahain kami ng damage para sa bawat isa (biktima) ng P2 milyon para sa moral at exemplary damage.]

Labinglimang tao ang namatay sa aksidente nang mawalan ng preno ang bus na sinasakyan ng mahigit 50 estudyante ng Bestlink College of the Philippines. Naganap ang trahedya noong ika-20 ng Pebrero.