Suspek na namaril sa nurse sa Cebu City, kilala na

Image from Mayor Osmeña's Facebook account Image from Mayor Osmeña's Facebook account

Positibong kinilala ng biktimang si Ephraim Nuñal, isang nurse, ang suspek na bumaril sa kanya sa gitna ng kanilang pagtatalo sa daan sa Cebu City noong Linggo, ika-19 ng Marso, ayon kay Cebu City Mayor Tomas Osmeña.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Mayor Osmeña na positibong kinilala ng biktima ang lalaking bumaril sa kanya. Ayon pa sa alkalde, kumikilos na siya upang maisyuhan ng warrant of arrest ang isang David Lim Jr.

Kung ayaw umanong kumilos ng mga pulis dahil wala pang warrant of arrest na iniisyu ang judge, magdadala umano siya ng bodyguard at siya na mismo ang huhuli sa suspek.

Sa naunang Facebook post, nag-offer si Mayor Osmeña ng P100,000 sa sinumang makapagbibigay umano ng karagdagang corroborating information tungkol sa road rage incident. Minomonitor na rin umano ng mga pulis ang mga pasaherong umaalis mula sa airport at sa iba pang ports of exit ng Cebu City.

Ang lalaking nakabarong sa larawan umano ang bumaril sa kanya, ayon sa biktima:

17362640_1536626939710828_1796908716770909581_n

Loading...