Suspek na pumatay sa Pasay traffic enforcer, nakilala na sa tulong ng CCTV

Image capture of video by GMA NewsImage capture of video by GMA News

Nakunan ng closed-circuit television (CCTV) camera ang pagtakas ng suspek, kasama ang kanyang asawa, matapos nitong barilin at mapatay si Noel Lunas, ang traffic enforcer na humabol sa kanila upang hulihin sa nagawang traffic violation.

Ayon sa ulat ng GMA, kinilala ang supek na si Nashro Bagindulo. Ginagamit rin nito ang pangalang Cairoden Mangundao. Ang kasamang babae ng suspek na diumano’y asawa niya ay kinilalang si Norhinia Sema na gumagamit rin ng mga pangalang Agua Sema at Rose Sema.

Sinita umano ng traffic enforcer na si Joey de Chavez ang suspek dahil sa traffic violation, pero nagpakilala itong pamangkin daw  ng isang heneral at saka pinaharurot ang kanyang Toyota Innova upang tumakas.

Sakay ng kanyang motorsiklo, hinabol naman ni Lunas ang Innova at nang abutan na ito malapit sa isang mosque ay bumaba ang suspek at pinagbabaril hanggang  mapatay ang biktima. Tumakas ang mag-asawa at iniwan nila ang kanilang sasakyan na puno umano ng mga sari-saring paninda.

Panoorin ang kuha ng CCTV sa pagtakas ng suspek: