Suspek sa gang-rape sa Grade 4 pupil, ikinuwento ang pangyayari, itinangging nanood sila ng sex video

Image from Youth Ki Awazz Image from Youth Ki Awazz

Isa sa mga nahuling menor de edad na suspek sa pangga-gang-rape sa Grade 4 pupil ang nagkwento kung paano nila nakumbinsing sumama sa kanila ang biktima.

Kwento ni alyas Lando, 14-anyos, sa Bombo Radyo, katatapos lang ng recess nila sa school noong ika-6 ng Marso nang yayain ni alyas Bok-Bok ang biktima sa sumama sa bukid upang manghuli ng maliliit na hipon sa talon, kasama ang dalawa pang suspek na sina alyas Panong at Jan-jan.

Sumama raw ang 11-anyos na biktima nang pangakuan nila na bibigyan ito ng mga stickers na kinahihiligan nitong laruin.

Pagdating nila sa talon ay doon na raw nangyari ang insidente, pero ayon kay Lando ay kusa at wala namang ginawang pagtutol ang biktima sa ginawa sa kanyang pakikipagtalik ng mga suspek. Pinasinungalingan din ni Lando ang naunang napabalita na nanood muna sila ng pornographic video bago naganap ang insidente.

Ang mga suspek na pawang mga Grade 5 pupils ay may edad na 11, 12, 14 at 15. Ayon sa pulisya ay ang 15-anyos na suspek lang ang posibleng makasuhan. Isinailalim naman sa counseling ang biktima.

 

Loading...