Suspek sa pagpatay kay “Doctor to the Barrio” Dreyfus Perlas, napatay ng awtoridad

Image from BATAN GRADS Batch 83 and 87' Facebook accountImage from BATAN GRADS Batch 83 and 87' Facebook account

Isa sa mga suspek sa pamamaslang kay barrio doctor Dreyfus Perlas ay napatay ng pinagsanib na puwersa ng mga pulis at militar sa Lanao del Norte noong Sabado, ika-4 ng Marso.

Ayon sa ulat ng GMA, ang pinagsanib na puwersa ng pulis at mga sundalo ay binuo upang isilbi ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Alberto Quinto of the Kapatagan Regional Trial Court Branch 21 laban sa suspek na si Agapito Tamparong, isang hired assassin, matapos makatanggap ng isang tip na nakikipag-inuman ito sa lima pang kalalakihan.

Nang matunton ng arresting team si Tamparong ay nagtangka itong tumakas at nang masukol ay nagtangka pa umano itong maghagis ng granada. Pinaputukan siya ng mga pulis hanggang mapatay.

Isa sa mga kainuman ni Tamparong ang tumakas, samantalang ang apat na iba pa ay inaresto pero agad pinakawalan dahil wala silang criminal records.

Loading...