Suspek sa road rage sa QC, hindi mahuli dahil sa mga ‘uncooperative’ na may-ari ng mga resort sa Boracay

Image from Boracay Tourist Action Center/ABS-CBN Image from Boracay Tourist Action Center/ABS-CBN

Nahihirapan ang mga pulis sa Boracay na madakip si Fredison Atienza, alyas “Son-son”, dahil may ilang may-ari ng resorts doon ang hindi umano nakikipagtulungan sa mga awtoridad.

Si Atienza, na sakay noon ng kanyang Toyota Land Crusier, ang bumaril at nakapatay sa motorcycle rider na si Anthony Mendoza matapos ang kanilang pagtatalo sa Quezon City noong ika-25 ng Pebrero dahil muntik nang magkasagian ang kanilang mga sasakyan.

Napag-alaman na nagtungo sa Boracay si Atienza isang araw matapos ang insidente.

Ayon sa ABS-CBN, nakakuha ang lokal na pulisya ng larawan ni Atienza na nagpapakitang tumuloy ito sa tatlong resort sa Boracay. Sabi ni Police Senior Inspector Jess Baylon ng Boracay Tourist Action Center tumanggi ang mga resort owners na magbigay sa pulisya ng kopya ng kanilang guests list at ng closed-circuit television footage.

“Malapit na namin siyang matunton sa isang hotel, pero ang pagtanggi ng management na makipagtulungan ang siyang naging hadlang sa aming operasyon,” sabi ni Baylon.

Narito ang isang ulat mula sa GMA News hinggil sa muling pagkakakita sa suspek sa isang hotel sa Boracay: