Tangkang pag-okupa ng KADAMAY members sa isa na namang pabahay sa Bulacan, hinarang ng mga residente

Image capture of video by GMA NewsImage capture of video by GMA News

Bigo ang tangkang pag-okupa ng mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa isang pabahay ng pamahalaan sa Bocaue, Bulacan noong Biyernes, ika-17 ng Marso.

Ayon sa GMA, tinatayang 200 kasapi ng KADAMAY ang lumusob sa Bocaue Hills Subdivision upang okupahin ang mga bakante pang housing units doon, pero nakabantay na ang mga lehitimong mga residente sa lugar at mga pulis upang pigilan ang balak ng grupo.

Noong Huwebes, ika-16 ng Marso, pa umano nabalitaan ng mga taga-Bocaue Hills ang balak ng KADAMAY kung kaya’t nagbantay sila doon upang hindi mapasok ang pabahay.

Kailan lang ay inokupa ng mga KADAMAY members ang mga pabahay ng gobyerno sa bayan ng Pandi at San Juan Del Monte City, na parehong nasa Bulacan.

Kinansela rin ang klase sa Bocaue Hills Elementary School upang siguruhing hindi maapektuhan ang mga bata kung sakaling magkaroon ng tensiyon sa paglusob na ginawa ng KADAMAY.

Source :

GMA