TPB COO Cesar Montano, walang itinulong sa JaDine concert tour — Viva

Mga imahe mula sa Facebook

Itinanggi ng VIVA Communications Inc. na sponsor ng United States tour ng JaDine ang Tourism Promotion Board (TPB) na pinamumunuan ng Chief Operating Officer nito na si Cesar Montano.

Ayon sa Abante, itinanggi ng VIVA ang paratang na sponsor ang TPB sa US tour nina James Reid at Nadine Lustre, na isinasaad sa Paragraph 18 ng reklamo ng TPB employees laban kay Montano.

“At best, all we have is a proposal. Until all approvals are obtained from the proper channels, any supposed sponsorship of the James Reid and Nadine Lustre tour is not binding,” wika ng VIVA sa isang official statement.

[Ang meron lang kami ay proposal. Hanggang hindi ito nakakakuha ng pagsang-ayon mula sa proper channels, anumang sponsorship kina James Reid at Nadine Lustre ay hindi maikakabit sa VIVA.]

“VIVA has not received any consideration from Tourism Promotions Board for the supposed sponsorship,” dagdag pa nito.

[Walang natanggap ang VIVA na kahit anong konsiderasyon mula sa Tourism Promotions Board na may kinalaman sa nasabing sponsorship.]

Panoorin ang ulat tungkol sa pagkakademanda sa actor at tourism official na si Cesar Montano: