Trillanes,  Handang Magpakulong Kapag Napatunayang Mali ang Akusasyon laban kay Pangulong Duterte

Image from DFN FilesImage from DFN Files

Sa halip na magbitiw umano sa kaniyang puwesto, handa raw magpakulong si  Senator Antonio Trillanes IV kapag napatunayang mali ang akusasyon nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, inakusahan ni Trillanes ang Pangulo sa pagkakaroon ng diumano P2.407 billion sa kaniyang bank account. Ang Senador din ang nagbigay-daan sa public confession ni retired policeman Arturo Lascañas, na inakusahan ang Pangulo sa pag-uutos at pagbabayad para sa mga palihim na pagpatay noong siya’y Mayor pa ng Davao City.

Nag-offer na ako, prove me wrong, magre-resign ako para mawalan na kayo ng problema. Dinagdagan ko pa ngayon, sabi ko ‘pag inilabas n’yo ang [bank] transaction history niyan ni President Duterte, na mali ako sa alegasyon ko, hindi lang ako magre-resign, magwa-walk in na ako diretso sa kulungan para hindi na kayo kailangang mag-imbento ng kaso sa akin,” ani Trillanes.

Ayon sa senador, dapat ma-impeach si Dueterte dahil sa kaniyang  pagpatay at pandarambong.

Samantala, handa rin magbitiw si Duterte sa kaniyang puwesto kapag napatunayan ng Senador na siya ay may P2 billion sa kaniyang bank account.

Mariing itinanggi ni Duterte ang diumano summary execution ngayon bilang  Pangulo o noong siya’y Mayor pa ng Davao City.

Para naman kay Presidential legal counsel Salvador Panelo, nagha-hallucinate lamang si Trillanes na may mga grounds para ma-impeach si Duterte.

Panoorin ang ulat na ito ng DZMM: