Truly Inspiring! Estudyanteng Sablay Noon, Matagumpay na Guro na Ngayon

Imahe mula sa Facebook ni Aimee Chavez OctavianoImahe mula sa Facebook ni Aimee Chavez Octaviano

Ang kabiguan ay bahagi ng ating paglalakbay. Gamitin mo ito upang palakasin ang iyong sarili. 

Marami sa mga estudyante ng kolehiyo ang madaling sumuko; lalo na kapag nakararanas na ng matinding pressure sa pag-aaral. Paghabol sa mga deadlines ng mga projects, mga report at  pagpupuyat sa pagsusulat ng thesis.

Dahil dito mas pinipili ng ilan na tumigil na lamang sa pag-aaral.

Ngunit iba ang estudyanteng  ito. Nagsilbi siyang inspirasyon sa mga mag-aaral na dumaranas ng paghihirap sa kanilang pag-aaral  sa kolehiyo.

Bumagsak siya nang makailang ulit sa kaniyang mga asignatura ngunit hindi ito naging hadlang upang tapusin ang kaniyang pag-aaral. Sa katunayan isa na siyang ganap na guro at siya na ring  gumagabay ngayon sa kaniyang mga mag-aaral.

Siya ay walang iba kung hindi si  Aimee Chavez Octaviano.

Sa kaniyang Facebook post, ibinahagi niya ang mga kabiguan niya noong siya’y estudyante ng kolehiyo at kung paano niya ito napagtagumpayan.

Si Aimee ay alumani ng University of the Philippines Los Baños (UPLB). Kinailangan niya pang mag-overload sa mga subjects upang makasabay sa pagmamartsa ng kaniyang mga  ka-batchmate.

Marami siyang naging sakripisyo maabot lamang ang kaniyang mga pangarap.

Taong 2016 nang siya ay maging ganap na guro matapos makapasa sa Licensure Examination for Professional Teachers.

Sa ngayon siya ay matagumpay na guro ng Mathematics at Science.