Unang post ni Kylie sa ini-launch na blog, 3-part goodbye letter para kay Sang’gre Amihan

Mga imahe mula sa YouTubeMga imahe mula sa YouTube

Sinimulan na ng aktress na si Kylie Padilla ang pagkakaroon ng blog — at ang una niyang post ay ang three-part goodbye letter  para kay Sang’gre Amihan; ang karakter na ginampanan niya sa Encantadia 2016.

Passing time writing these days. Oh how happy I am too. I’ve always wanted to start a blog, finally stopped making excuses and just did it. If you have time check it out,” ani Padilla sa Instagram post kung saan ibinahagi niya ang kanyang blog.

[Nitong mga nakaraang araw, pinalilipas ko ang oras sa pamamagitan ng pagsusulat. Noon pa man gusto ko nang magsimula ng isang blog, sa wakas ay tumigil na akong gumawa ng mga dahilan at basta ginawa na lamang ito. Kung may panahon kayo, silipin ninyo.]

Ang naroon pa lamang sa blog ay ang kanyang sinulat para kay Sang’gre Amihan. Dito, ibinahagi niya ang kanyang mga naramdaman noong gumaganap pa siya bilang sang’gre; bago niya kinailangang magpahinga pansamantala upang alagaan ang sarili sapagkat dinadala na niya ang anak nila ng aktor na si Aljur Abrenica.

Sa blog, ibinahagi niya kung ano ang naramdaman niya noong hindi pa natutuwa ang mga manonood sa pagsasabuhay niya ng karakter na ginampanan noong 2006 ng magaling na aktres na si Iza Calzado.

“I am well aware of what people were saying about the first few weeks of Encantadia. Those first few were the most difficult. I saw a poll on Twitter and it ranked all four Sang’gres from most favorite to least. Sadly, blue (Amihan) was at the bottom. I will not sugarcoat and say that I didn’t care and I just went on with work unaffected…. I was very down about how people were digesting this new Amihan that I was portraying by the way,” aniya.

[Alam ko kung ano ang sinasabi ng mga tao sa mga unang linggo ng Encantadia. ‘Yun ang pinakamahihirap na linggo. Nakakita ako ng poll sa Twitter kung saan ini-rank ang apat na sang’gre mula sa pinakapaborito hanggang sa pinakahindi gusto. Ang asul, si Amihan, ang  nasa ibaba. Hindi ko na pagagandahin at sasabihin na nagpatuloy lang ako sa pagtatrabaho nang hindi naaapektuhan…. Sobrang lungkot ko sa kung paano nakikita ng tao bagong Amihan, na ginagampanan ko.]

Marami pang ibinahagi ang aktres; katulad ng mga naramdaman niya noong nagsimula ang “YbraMihan” o ang loveteam nila ni Ruru Madrid na gumaganap bilang Ybrahim, at ang mga pagkakataong kaeksena niya ang “Batang Ligaw” na si Paopao.

Basahin ang “three-page goodbye letter” ni Padilla kay Sang’gre Amihan.

The Blue One

The Blue One