#Missing: UPLB Graduate, Nawawala simula pa noong unang araw niya sana sa Trabaho

Mga imahe mula sa Facebook

Nananawagan ng tulong ang pamilya ng University of the Philippines-Los Baños(UPLB) graduate na si Michael Kenneth Cruz matapos nitong mawala noong Huwebes.

Si Cruz, 23, na taga-Pasig, ay huling  nakita ng kaniyang pamilya at girlfriend noong Huwebes ng umaga bago ito magtungo sa kaniya sanang unang araw sa trabaho.

Si Cruz ay isang licensed chemical engineer at nagtapos na magna cum laude noong 2015 at siyang bunso sa kanilang pamilya.

Wala namang makitang dahilan ang kaniyang ina sa pagkawala ng  kaniyang anak.

“Wala po siyang kaaway, napakabait na bata po ni Michael. Wala po akong idea kung bakit siya nawala,” ani Dolores Cruz.

Dagdag pa ng ina, nagpakalat na sila ng mga posters na may larawan ng kaniyang anak sa  iba’t ibang transportation terminals sa Metro Manila.

Sa panayam naman ng ABS CBN kay Andrea Baule,  girlfriend ni Cruz, maagang umalis si Cruz mula sa Pasig para sa kaniyang unang araw sa trabaho sa isang food and beverage company sa Balayan, Batangas.

Nitong Huwebes, dakong 3 n.u. at lagpas  4 n.u. nang mag-text si Michael sa kaniyang girlfriend upang ipaalam ang kaniyang lokasyon.

Ayon kay Baule, bumiyahe si Cruz mula Pasig hanggang sa terminal sa Taft Avenue, Pasay City dahil ito lamang ang alam niyang daan.

Sabi niya po sa akin maglalakad-lakad po muna siya kasi naghihintay pa ‘yung bus ng pasahero,” ani Baule.

Sinubukan namang tawagan ni Baule ang kaniyang kasintahan dakong  7 n.u. ngunit bigo na itong ma-contact.

Dito na kinabahan si Baule nang tumawag ang kapatid ni Cruz upang tanungin kung nasaan ito. Nakatanggap naman ng tawag mula sa kumpanya ang pamilya upang ipagbigay-alam sa na hindi ito nag-report sa trabaho.

Agad namang nag-file ng missing person report ang pamilya ni Cruz sa Pasay City-PNP.

Ayon kay SPO1 Loren Osias, Pasay City Police Investigation Division, wala pang update o balita hinggil sa pagkawala ni Cruz hanggang sa kasalukuyan. Ang kasong ito ay ipinadala na rin sa buong  Southern Police District.

Nakipag-ugnayan na rin ang pamilya ni Michael sa Barangay 97 at 98 sa Pasay upang masilip ang CCTV footage sa naturang barangay.

Ayon kay Baule, malabo ang kuha ng CCTV kaya hindi nila matiyak kung si Michael ay nahagip sa mga footage.

Si Michael ay nakasuot ng gray jacket at may dalang  itim na bag nang umalis patungong trabaho nitong Huwebes.

UPDATE as of March 19, 2017 ng gabi:

Ayon sa caption sa post ni Baule: “After ilang days of searching, first verified cctv of Michael Kenneth Cruz exiting Bartville to e.rodriguez ave in Pasig. Please note his image as seen in the video para maicompare din sa mga other cctv videos.”

cruz

Sa anumang impormasyon ay ipagbigay-alam lamang sa pamamagitan ng pag-message sa  the ABS-CBN News Facebook page, Dolores Cruz (09192481855) o sa Pasay City PNP.

Source :

ABS CBN, Facebook