Vice Ganda, hinangaan sa pananahimik sa kabila ng mga paratang ni Nora

Mga imahe mula sa Facebook

Marami ang humanga sa hindi pagpatol ng It’s Showtime host na si  Vice Ganda sa mga paratang sa kanya ni “Superstar” Nora Aunor.

Ayon sa Abante, walang naging kasagutan mula kay Vice Ganda kaugnay sa paratang ni Nora sa kanya na minsan na niya itong pinaringgan at sakaling matuloy ang kanyang pagiging hurado sa Tawag ng Tanghalan, baka bastusin lamang siya.

“Hindi ako feel ng main host nila na si Vice Ganda. Baka bastusin lang ako nun, tulad ng pambabastos niya sa akin sa show niya. ‘Yung mga patutsada niya, parinig niya na alam ko ako ang tinutukoy niya dahil minsan ako mismo ang nakarinig e,” wika ni Nora.

Marami ang nagsabi na tama lamang ang naging desisyon ni Vice na huwag nang patulan ang mga paratang ni Nora. Kasama pa umano ang isang aktres sa mga nagtanggol sa nananahimik na host. Aniya, wala siyang natatandaan na siniraan niya ang tinaguriang Superstar.

Naniniwala rin ang marami na hindi magagawa ni Vice na bastusin si Nora kung sakaling itinuloy nito ang paglabas sa noontime show ng ABS-CBN.

Samantala, noong araw mismo na iyon ay naglaro si Nora ng “Jackpot En Poy” sa Eat Bulaga, na ipinalalabas sa kalabang istasyon. Panoorin:

https://www.youtube.com/watch?v=ejGf7B41BjQ&app=desktop