[Video] 2 Lalaki Arestado Matapos Magpuslit ng Cocaine sa Loob ng mga Pekeng Saging

Larawan mula sa You TubeLarawan mula sa You Tube

Dalawang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad  matapos magpuslit ng mga cocaine sa loob ng mga pekeng saging na gawa sa dagta sa  Valencia at Malaga sa Spain.

Ayon sa Guardia Civil Police, ang pag-aresto ay kasunod ng isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad noong Nobyembre 2016 nang madiskubre ang pagsisingit ng mga ilegal na droga sa mga kargamento ng saging.

Ayon sa ulat ng ABC News, nadiskubre ang 7 kilos (15.4 pounds) ng cocaine sa loob ng 57  pekeng saging na nakahalo sa kargamento ng mga tunay na saging  nang dumaong ito mula sa  South America sa Mediterranean sa port ng Valencia.

Maliban pa rito may 10 kilong cocaine din ang nadiskubre na isiniksik sa mga flaps ng mga kahong pinaglalagyan ng mga prutas.

Samantala, sinampahan na ng drug trafficking ang dalawang suspek habang patuloy namang iniimbestigahan ang isa pang lalaking Italyano na kasabwat rin umano sa pagbibyahe ng mga cocaine.

Ginagamit bilang entry point ang Latin America ng mga drug smugglers upang madala ang cocaine sa Europe.

Gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ang mga smugglers upang maipuslit ang iligal na droga nang hindi dumaraan sa Spanish customs.

Nitong mga nakaraang taon nadiskubre ng mga awtoridad ang mga iligal na droga sa loob ng breast implants, wig, plaster cast na nakabalot sa lalaking putol ang paa at gayundin sa loob ng 42 piraso ng crockery set.

Panoorin ang video na ito mula sa  You Tube:

 

Loading...