[Video] 3 Suspek, Arestado sa ‘Online Child Trafficking’; Pambubugaw sa Menor de Edad, ‘Door to Door’ Inihahatid

Image capture of video by GMA News via You Tube accountImage capture of video by GMA News via You Tube account

(Taguig City, Philippines) Inaresto ang tatlong suspek dahil sa online child trafficking sa dalawang menor de edad at sa ‘door to door’ na paghahatid ng mga ito sa mga dayuhan.

Isa sa mga nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) agents ay ang paglalako ng mismong suspek sa kanyang 8-anyos na anak.

Ang isa naman sa menor de edad ay 15-anyos at may ka-live in na dayuhan.

Ani Atty. Janet Francisco, chief ng NBI Anti-Human Trafficking Division, minsan ay sa Facebook at sa Yahoo Messenger ginagawa ang krimen; depende sa kung saan gusto ng kanilang mga parokyanong dayuhan.

“Minsan kapwa-bata rin… aayain niya… aayain nila ‘yung mga bata, ‘O halika mag-show tayo’. Nakaka-alarma na talaga na dumadami na ang mga bata na alam na ‘yung ganitong klaseng trabaho. Nakakapangilabot na eh dahil 15 years old imagine may ka-live in na,” ani Francisco.

Itinanggi ng isang suspek ang krimen at sinabing nakikipag-chat lamang sila.

Dinala sa NBI ang mga suspek kung saan sila ikukulong at kakasuhan sa paglabag sa cybercrime prevention act at child trafficking, mga kasong walang piyansa, ayon sa ulat ng 24 Oras.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito: