[Video] 49-Anyos na Babae, Nahulog sa Pasig River mula sa Ayala Bridge; Nailigtas

Imahe mula sa video ng GMA via Tou TubeImahe mula sa video ng GMA via Tou Tube

Aksidente o sadyang nahulog ito sa Pasig River?

Isang 49-anyos na babaeng Filipino-Chinese ang nasagip ng Philippine Coast Guard sa Pasig river mula sa Ayala bridge.

Mapanonood sa  video footage ang ginawang pagsagip ng PCG sa isang babae, na itinago ang pagkakakilanlan; ayon sa ulat ng GMA.

Binatuhan ng salbabida ang biktima at dahan-dahan itong hinila papalapit sa rescue boat habang inaalalayan ng isang kasamahan na lumusong sa ilog.

Hindi pa matukoy kung aksidente o sadya bang nagpahulog ang babae dahil hindi pa raw ito makapagsalita dahil sa nangyari; ayon sa Manila Police District.

Malalim at zero visibility ang ilog, bukod pa sa malakas ang agos ng tubig; ayon kay Ensign Mizar Cumbe, Deputy Commander, Coast Guard Station-Pasig.

Ani Cumbe, peligroso ang disenyo sa bakod ng Ayala Bridge para sa mga naglalakad sa ibabaw ng tulay.

Dapat lagyan ng safety fence na hindi maaabot ng mga taong naglalakad diyan. Kasi hindi natin alam na may nahuhulog, kung intentional ba ‘yung kanilang pagkahulog,” turan ng isang opisyal.

Upang maipatupad ang ordinansang nagbabawal sa mga taong maligo at lumangoy sa Pasig river, nanawagan sila ng tulong sa lokal na pamahalaan.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA:

 

Source :

You Tube, GMA

Loading...