[Video] 63-anyos na Dating OFW, Nakamit ang Pinapangarap na Diploma: “Sa Tiyaga ito Nangyari”

Imahe mula sa video ng GMA via You TubeImahe mula sa video ng GMA via You Tube

Sa edad na dapat sana’y nagpapahinga at nagrerelax na lang siya, natatangi ang 63-anyos na dating Overseas Filipino Worker na nagtapos ng kursong BS Elementary Education sa  Polytechnic University of the Philippines.

Apat na taon na ang nakalilipas nang makita ng GMA news si Perseus Parde na nakapila upang mag-enroll sa naturang unibersidad, at ngayon ay nakamit na niya ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Ayon sa ulat ng GMA, si Parde ay dating OFW sa  Saudi Arabia na noo’y laging nangangarap na magkaroon ng diploma katulad ng kaniyang apat na anak.

Pinursige ko rin na dito na lang, i-concentrate ko ‘yung pag-aaral, makatapos din ako para at least sila’y mga titulado, titulado rin ang papa nila,” ayon kay Parde.

Talagang hirap din po pero sa tiyaga, ito po nangyari… ga-graduate na po saka masaya rin po,” dagdag pa nito.

Payo naman ni Parde sa mga nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng matandang edad:

Tutok lang nila sa pag-aaral, makakatapos din sila…” saad pa niya.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA:

 

Source :

You Tube, GMA