[Video] A Mother’s Love: Inang Pasan-pasan ang Paralisadong Anak na Dalaga

Imahe mula sa Facebook account ni Gilbred Cargason Alsagon JrImahe mula sa Facebook account ni Gilbred Cargason Alsagon Jr

Wala na sigurong makahihigit pa sa pagmamahal at sakripisyong kayang ibigay ng isang ina para sa kaniyang anak.

Si Nanay Juliet ay may anak na babaeng paralisado simula pa noong 3-taong gulang pa lamang ito. Hanggang sa kasalukuyan, kahit may katandaan na, ay palagi pa ring pinapasan ng ina ang kaniyang anak. Kaya naman pinapasan niya ito sa tuwing siya’y luluwas  ay dahil natatakot siyang iwan ito at baka may masamang mangyari; ayon sa ulat ng KAMI.

Naging saksi ang Facebook user na si Gilbred Cargason Alsagon Jr. sa walang katulad na pagmamahal ni Nanay Juliet sa kaniyang anak at ibinahagi ito sa social media.

Sinulat ni Gilbred sa kaniyang Facebook:

“Mother’s Love”

Taken yesterday at DBP Roxas Branch..

What mothers can do for their children.. The daughter was [paralytic] since she was three years old. They were living together on their own and nanay Juliet had to carry her daughter everytime she have to go downtown fearing that her daughter will be raped if left alone.

I can’t help them, I cannot even help my own mother…If you are able and interested, you can send help through the officials of Brgy Bolo, Roxas City.

A friend of mine has already committed for a wheel chair via the City Health Office of Roxas City…

Ang naturang post na ito ni Gilbred ay umani ng samu’t saring reaksiyon at shares mula sa mga netizens na naantig ang damdamin sa istorya ng mag-ina lalo pa’t kitang-kita sa video na ito kung gaano kahirap pasanin ng ina ang kanyang anak na dalaga.

Source :

Facebook, KAMI

Loading...