[Video] Dalawang Motorsiklo Nagkasalpukan; Isa sa riders, Binugbog Pa

Imahe mula sa video ng ABS CBNImahe mula sa video ng ABS CBN

Ang motorsiko diumano ang may pinakamataas na bilang  ng  vehicular accident sa bansa. 

Kamakailan ay dalawang lalaki ang nasugatan matapos magkasalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo sa Legazpi City noong Lunes.

Sa CCTV footage, mapapanood ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa harap ng Legazpi City Health Office, dakong ika-1 ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ang mga naaksidente ay kinilalang  sina Jesus Marchan Jr., residente ng Barangay Ezperanza sa Pilar, Sorsogon at  Jason Joson.

Bali ang kaliwang paa ni Marchan, ayon sa asawa nito na tumanggi nang humarap sa camera.

Mapapanood din sa video ang pagdating ng isang motorsiklo na sa pagbaba ng driver nito‘y pinagsisipa nito ang isa sa naaksidenteng lalaki na bumagsak sa kalsada.

Bumaba rin ang back rider nito  at muling pinagsisipa ang naaksidenteng lalaki kasama ang isa pang lalaki.

Sa imbestigasyon ng Albay-PNP, nagcounterflow umano si Marchan kaya sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo.

Paniwala ng mga awtoridad, maaaring hinahabol daw ni Marchan ang naunang nag-counterflow na motorsiklo at diumano’y nakaaway nito kaya pinagsisipa siya ng mga ito nang maaksidente.

Hindi pa tukoy ng mga awtordad ang mga nanakit kay Marchan.

Nagtamo rin ng mga sugat sa katawan ang nakabanggan ni Marchan na si  Joson na pumayag na lamang makipag-areglo.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA:

 

Source :

You Tube, ABS CBN