[Video] DepEd, Nanawagan sa Komunidad Hinggil sa Sunod-sunod na Panghahalay ng Estudyante sa Kapwa Estudyante

Image capture of video by GMA News via You Tube accountImage capture of video by GMA News via You Tube account

“Mahalaga ang kaligtasan ng bawat estudyante sa loob at labas ng paaralan.”

Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa komunidad na maging mas mapagmatyag dahil sa sunod-sunod na panghahalay ng ilang estudyante sa kapwa estudyante.

Sa inilabas na pahayag ng DepEd, nakatanggap sila ng magkakasunod na report ng panghahalay, ayon sa ulat ng News TV Live.

Ayon sa DepEd, isang 12-anyos na estudyante ang hinalay umano ng limang kaeskwela sa Barangay Maysilo, Malabon; isang grade 10 student naman ang ginahasa ng limang menor de edad sa Sta. Maria, Bulacan; at isang 11-anyos na estudyante ang hinalay ng apat niyang kaeskwela sa Ajuy, Iloilo.

Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang DepEd sa Schools Division Offices upang matiyak na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito:

 

Source :

GMA, You Tube