[Video] Duterte, Nag-sorry sa mga Mahihirap na Napapatay sa ‘War on Drugs’

Image capture of video by GMA News via You Tube accountImage capture of video by GMA News via You Tube account

Humingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mahihirap na napapatay sa kampanya ng pamahalaan sa ‘war on drugs’. Aniya, handa siyang harapin ang mga kahihinatnan nito at gagawin niya ang kailangan kahit na delikado pa ito.

“Well I am sorry! I have to clean up until such time mapatay ang mga drug lords. I am ready to face the consequences and if I have to rot in hell, I will do it.”

Ani Duterte, wala siyang magagawa kung ang mahihirap ang mga nasasagasaan sa nasabing operasyon ng pamahalaan dahil kailangan niyang linisin ang bansa mula sa ilegal na droga.

Iginiit din ni Duterte na handa siyang makulong kung may mapatutunayang anomalya sa ‘war on drugs’ ng pamahalaan.

Sa kabila nito sinabi rin ni Duterte na hindi pa rin siya titigil hangga’t hindi nauubos ang ‘drug lords’ sa bansa, ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend.

Panoorin ang paghingi ng sorry ni Duterte sa video na ito mula sa GMA:

 

Source :

GMA, You Tube