[Video] Fil-Am, “Top Pick” Bilang Solicitor General ni Pangulong Donald Trump

Imahe mula sa video ng Balitang America via You TubeImahe mula sa video ng Balitang America via You Tube

Nominado ni Pangulong Donald Trump ang isang abogadong Filipino American na maging pinakamataas na tagapagtaguyod ng batas sa Korte Suprema.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, nominado ni Trump ang Fil-Am na si Noel Francisco, 47,  na maging Solicitor General niya.

Si Francisco ay nagsilbi na rin sa parehong posisyon bilang  officer in charge (OIC).

Si Francisco ay dating nagtrabaho sa  Jones Day Law Firm. Kabilang sa kaniyang credentials ang paghawak sa kaso ng mga high profile cases na inilaban niya sa Korte Suprema na may “favorable” na resulta.

Nagtapos si Francisco ng University of Chicago School of Law taong 1996.

Noel is an incredibly gifted appellate advocate, I’ve worked with him a lot,” ayon kay  Mike Carvin, na nakatrabaho ni Francisco ng ilang taon sa Jones Day.

Ang pinakahuling naipanalong kaso ni Francisco, ang kasong corruption laban kay Virginia Republican Governor Robert McDonnell.

Naging  White House lawyer din si Francisco mula 2001 hanggang 2003, at legal counsel ng Justice Department mula  2003 hanggang 2005.

Ang parehong posisyon ay sa ilalim ni dating Pangulong George W. Bush.

Kapag kinumpirma ng Senado si Francisco, may at least 3 Filipino Americans ang nagsisilbi sa mga high profile position sa ilalim ng administrasyon ni Trump.

Kabilang dito sina White House assistant Press Secretary, Ninio Fetalvo at Joyce Yamat Meyer, na nagsilbi bilang Deputy Assistant to the President, at House Deputy Director of Legislative Affairs.

Panoorin ang video na ito mula sa Balitang America:

 

Loading...