[Video] Mandurukot, Galit na Ibinalik ang Ninakaw na Cellphone sa Biktima

Imahe mula sa video ng ABS CBNImahe mula sa video ng ABS CBN

Patakas na sana at nakasakay na sa UV Express ang isang lalaki ngunit nahabol pa rin siya ng mga estudyante na kanya umanong dinukutan. Dahil sa pangungulit at nang nalaman niyang kinukuhanan na siya ng video ng mga biktima ay galit nitong ibinalik ang cellphone na kaniyang dinukot.

Bago ang pangyayari, naglalakad si Robert at ang kaniyang girlfriend sa overpass ng Fairview, Quezon City nang mapansin niyang may nagbubukas ng kaniyang bag kung saan nakalagay ang kaniyang cellphone; ayon sa ulat ng ABS CBN.

“Hinabol ko at kinakapkapan ko. Magnanakaw ka, ibalik mo  ‘yung cellphone ko. Siguro nung nakita niyang naka-video siya, ibinalik niya ‘yung cellphone,” salaysay ni Robert.

Positibong kinilala ng girlfriend ni Robert na ang lalaking nakunan niya ng video ang siyang kumuha ng cellphone  ng kasintahan.

Binalikan ng QCPD-Fairview ang lugar ngunit wala doon ang suspek.

Kinilala namang si alias ‘Toto’ ang suspek ng ilang tambay sa lugar.

Nakapag-blotter na ang biktima sa mga kalapit presinto habang nagsasagawa na ng manhunt operation ang QCPD.

Bagama’t sinuwerteng naibalik ng mandurukot ang cellphone at hindi nasaktan ang mga biktima, hindi ito nirerekomenda ng pulisya dahil karamihan sa mga mandurukot ay armado.

Payo pa ng QCPD, dapat tumawag ng mga opisyal ng barangay o pulis bago komprontahin ang isang salarin.

Nanawagan ang QCPD Fairview sa makapagbibigay ng  impormasyon o kinaroroonan ng suspek sa numerong (02) 935-49-41.

Panoorin ang video na ito mula sa ABS CBN:

Source :

ABS CBN

Loading...