[Video] Muntinlupa Crime Lab Chief, Arestado sa  Shabu Session sa Las Pinas City

Imahe mula sa video ng Inquirer via You TubeImahe mula sa video ng Inquirer via You Tube

Arestado ang isang laboratory official at ang kasama nitong babae habang nagsasagawa ng diumano drug session sa Las Pinas City noong Huwebes.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Supt. Lito Dumandan Cabamongan, chief ng Alabang Satelite Office Crime Laboratory Service at Nedy Acompanado Sabdao; ayon sa ulat ng Inquirer.

Sa inisyal na ulat sinasabi na dakong 5:30 n.u nitong Huwebes ay isang a concerned citizen ang nagpaalam sa mga awtoridad na may nagaganap na drug session sa Everlasting Homes, Talon Kuatro, Las Piñas City.

Agad namang sumalakay ang mga pulis at agad ding naaresto ang dalawang suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang apat na plastic ng sachet na naglalaman ng shabu, dalawang  disposable lighters at three aluminum foil strips.

Mapapanood sa video na matapos  mahuli si Cabamongan ay naglabas ito ng kaniyang sama ng loob dahil sa hindi pagkilala sa kaniyang mga ginawa sa serbisyo ngunit tila hindi kumbinsido ang  mga netizens na nakapanood sa kanyang paglalahad.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Sections 13, 14 and 15 of the Republic Act no. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban kina Cabamongan at  Sabdao.

Panoorin ang video na ito mula sa Facebook page ng Inquirer: