[Video] Nagtrabaho, napagod, kumanta: “Singing Construction Boy” Humakot ng paghanga

Imahe mula sa Facebook Page ng Filipino VinesImahe mula sa Facebook Page ng Filipino Vines

Wala na yatang hindi makakikilala sa husay at galing ng Pilipino pagdating sa larangan ng pag-awit. Makailang beses nang namayagpag ang mga Pinoy sa aspetong ito; mapa-lokal man o internasyonal.

Likas sa ating mga Pinoy ang umawit. Anuman ang ginagawa ay napapakanta tayo. Marahil ay isa itong paraan upang maibsan ang hirap na nararanasan natin sa buhay o kaya’y upang mas magaan na nahaharap ang mga gawain?

Isang construction worker ang hinangaan ng maraming netizens nang ibahagi ng Facebook page na Filipino Vines ang isang video na umaawit ito habang nakasuot ng uniporme ng isang construction worker.

Nag-construction, napagod,  at kumanta! Nag-viral ang “Singing Construction Boy” na tila pang-contest ang tinig na talaga namang ikinabilib ng maraming netizens matapos i-upload ng kaniyang kasamahan ang naturang video.

Ang kaniyang inawit ay “Kung Ikaw ay Lalayo,” ng grupong  J Brothers.

Sa nakamamangha niyang boses, hindi nakapagtataka kung makita natin siya sa malalaking tanghalan upang ibahagi ang kaniyang talento.

Ayon sa ilang mga netizens:

Tatoke Kichichi Chizurinrinkeki: Nag-construction, napagod, kumanta, natanggal sa trabaho, nag audition, naging artista.

Bianrie Rotante: Ejorango Tingal Partida, nakaupo pa yan haha. Galing!

Halina’t pakinggan natin si “Singing Construction Boy:”

Source :

Facebook, KAMI

Loading...