[Video] Piolo, proud na proud sa parangal na natanggap ng kanyang ‘B’ na si Iza

Mga imahe mula sa Instagram

Proud na proud ang aktor na si Piolo Pascual sa karangalang iniuwi ng kanyang “B” na si Iza Calzado mula sa katatapos lamang na 2017 Osaka Asian Film Festival.

Sa Instagram, ibinahagi ni Pascual ang video ng acceptance speech ni Calzado nang tanggapin ang Best Performer Award, na tinatawag na Yakushi Pearl Award, sa nasabing festival. Pinarangalan ang aktres dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang Bliss sa direction ni Jerrold Tarog.

“Our very own Iza Calzado accep­ting her award as best actress for the movie Bliss by Jerrold Tarog at the recently concluded Osaka Asian film fest 2017. Congrats B! You made us proud,” ani Pascual.

[Ang ating si Iza Calzado habang tinatanggap ang kanyang award dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang Bliss ni Jerrold Tarog, sa katatapos lamang na  Osaka Asian film fest 2017. Binabati kita, B.  Ikinararangal ka namin.]

Naging magkaibigan sina Pascual at Calzado nang magkasama sa pelikulang Milan. Nagkasama rin sila muli sa Starting Over Again.

Panoorin ang video na ibinahagi ni Pascual:

Samantala, narito ang trailer ng nasabing pelikulang BLISS: