[Video] Sa Pagsakay sa Subway Train; Actor Keanu Reeves Hinangaan sa Pagiging Maginoo, Kababaang Loob

Imahe mula sa ibinahaging video ng Inspired Life Facebook page

Sino ba naman ang mag-aakala na sa kabila ng tinatamasang katanyagan ay makagagawa pa siya ng isang bagay na ginagawa ng isang pangkaraniwang indibidwal?

Lalo na siguro kung ikaw ay sikat na Hollywood star at makikita sa iyo, sa kabila ng iyong kasikatan, ang iyong kababaang loob.

Sa video clip na ibinahagi ng Inspired Life, isang pasahero na sumakay sa subway train sa New York ang lihim na kinuhanan ng video ang isang lalaking nakaupo sa kaniyang kabila.

Ang lalaking ito ay nag-iisa at walang sinuman ang nakipag-usap o nakapansin sa kaniya; ayon sa ulat ng KAMI.

Sa isang bus stop, ang mga pasahero ay nagsimula na sa pagkuha ng masasakyang  tren.

Isang babae ang sumakay sa tren at tumayo sa tabi ng lalaking kinukuhanan ng video dahil wala na itong maupuan.

Napansin ito ng lalaki at inalok na maupo.

Agad namang tumayo ang  lalaki at pinaupo ang babae.

Pumuwesto ang lalaki sa tabi ng pole sa gitna ng train cab.

Nasurpresa ang netizen dahil napagtanto nito na ang maginoong lalaki ay walang iba kung hindi si…

“Neo!”

“The One”

Tumpak, siya’y si Keanu Reeves. Ang nag-iisang  Keanu Reeves sa buong mundo!

Kahanga-hanga ang premyadong aktor dahil sa kabila ng katanyagan ay kinakitaan ito ng pagiging maginoo at kababaang-loob.

Panoorin ang video na ito ng Inspired Life:

Source :

Facebook, KAMI