[Video] Sen. Sotto: Mahigit 50% ng mga Pinoy drivers hindi papasa sa tunay na driver’s examination dahil mga tanga

Public Domain ImagePublic Domain Image

Mahigit daw kalahati ng lahat ng mga Pilipinong tsuper ay hindi papasa sa isang honest-to-goodness driver’s examination, ayon kay Senador Vicente “Tito” Sotto.

Ayon sa Inquirer, sinabi ni Sotto na babagsak sa driver’s examination ang karamihan ng mga tsuper  dahil ang tatanga umano nila.

“Dito sa Pilipinas, if we do an honest-to-goodness examination of drivers like those required in other countries, especially the United States, I expect more than 50 percent of drivers will not pass,” sabi ni Senador Sotto sa pagdinig tungkol sa road safety na isinagawa ng Senate Committee on Public Services noong Martes, ika-14 ng Marso.

[Kung magbibigay tayo ng tunay na pagsusulit sa mga tsuper gaya ng pagsusulit sa ibang bansa, lalo na sa Estados Unidos, inaasahan ko na na mahigit singkwenta porsyento ang hindi papasa.]

Aniya, karamihan sa mga Pilipinong tsuper ay hindi lang mga reckless kundi ang tatanga pa.

Narito ang video ng pahayag ni Senador Tito Sotto sa ginawang pagdinig sa Senado:

 

 

Loading...