[Video] Traffic enforcer, nabundol na ng kotse, nasagi pa ng cement mixer truck

Image capture of video by GMA News Image capture of video by GMA News

Isang tanod na nagmamando ng trapiko ang nabundol na ng kotse ay nasagi pa at muntik nang magulungan ng cement mixer truck sa Makati City. Ang insidente ay nakunan ng closed-circuit television camera.

Sa video na ibinahagi ng GMA, makikita ang tanod na si Domingo Caraan na abalang nagmamando ng trapiko sa J.P. Rizal St. sa Barangay Poblacion nang biglang sumulpot ang kotseng minamaneho ni Dennis Jose Galang at nabundol si Caraan.

Ang cement mixer truck na nasa kabilang linya ng kalsada ay nasagi pa ang tanod matapos mabundol ng kotse. Mabuti na lamang at maagap na nakapagpreno ang truck driver na si Ronald Camus kaya hindi nagulungan ang biktima.

Noong una ay itinatanggi ni Galang na nabundol niya si Caraan. Side mirror lang daw ang tumama sa biktima. Pero nang ipakita sa kanya ang kuha ng CCTV ay umamin na rin siya sa kanyang kasalanan at nangakong tutulong sa pagpapagamot sa biktima.

Si Caraan, na isinugod sa Makati Medical Center, ay nagtamo ng mga bali sa katawan at sugat sa ulo.

Ang dalawang driver ay dinala sa Makati City Police Traffic Unit.

Panoorin ang video:

 

 

Source :

GMA Network