[Video]14-anyos na Babae, Ilang ulit na Ginahasa Diumano ng Kaniyang Bayaw

Imahe mula sa video ng GMA via You TubeImahe mula sa video ng GMA via You Tube

Sa halip na gabayan ng mas nakatatanda, nakuha pa nitong pagsamantalahan ang nakababata. Paano kaya makalilimot sa masamang karanasang sinapit ang biktima ng panggagahasa?

Arestado ang isang lalaki sa Davao City matapos isumbong ng kaniyang 14-anyos na hipag ang panggagahasa sa kanya, ngunit pinalaya rin dahil wala pang pormal na reklamong isinampa laban sa suspek.

Sinabi umano ni Kim, hindi tunay na pangalan, na noong isang taon pa nang simulan itong abusuhin ng kaniyang bayaw; ayon sa ulat ng GMA.

Sa loob mismo ng bahay naganap ang panghahalay ng suspek kay Kim. Enero 10 umano nang huli itong pagsamantalahan.

Hindi nagawang pumalag o magsumbong ng biktima sa dahil binantaan umano ito ng suspek na gagahasain din nito ang 12-anyos niyang kapatid.

Ang guro na ang nagdala kay Kim sa Davao City Social City Social Services and Development Office, matapos maikuwento ang sinapit na kahalayan ng biktima.

Dito na rin lang nalaman ng ina ni Kim ang sinapit ng anak.

Agad  dinakip ng mga awtoridad ang suspek ngunit ‘di nagtagal ay nakalaya din dahil wala pang pormal na reklamong naisasampa sa piskalya.

Mariing itinanggi ng lalaki ang mga alegasyon laban sa kaniya at tumangging humarap sa camera.

Pinayuhan naman ng mga awtoridad ang pamilya ng biktima na magsampa na ng pormal na reklamo upang  makapaglabas na ng arrest warrant  ang  korte at maikulong na ang suspek.

Panoorin ang video na ito ng GMA:

 

Source :

You Tube, GMA

Loading...