Vintage bomb nahukay sa Ilocos Norte

Image by Denis Agcaoli/ ABS-CBN NewsImage by Denis Agcaoli/ ABS-CBN News

MAYNILA, Pilipinas – Isang lumang bomb na pinaniniwalaang nagmula sa panahong ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII) ang nahukay sa likod bahay ng isang residente sa  Barangay 15, San Nicolas probinsiya ng Ilocos Norte nitong Miyerkules.

Mabuti na lamang at hindi ito sumabog kahit tinamaan habang naghuhukay ang isang karpintero na si Ronald Tolentino para sana sa gagawing poso negro ng bahay na pag-aari ni Danny Pasamonte.

Ayon kay Tolentino, dulo lang ng bomba ang kaniyang natamaan, at hindi ang gitna nito.

“Ang sabi nila, kung natamaan ko daw ‘yung gitna, baka sumabog na iyon. Buti na lang, sa dulo lang,” kuwento ni Tolentino sa panayam ng ABS-CBN News.

Hindi naman kaagad nasuri ang naturang bomba dahil kailangan pa nilang hintayin ang mga miyembro ng Explosive Ordnance Division ng Ilocos Norte Police Provincial Office na kasalukuyang nasa Maynila para sa isang pagsasanay.

Nitong Huwebes lang ng hapon dumating ang mga bomb expert para irekober ang bomba at suriin ito. Kinumpirma naman nila na may posibilidad ngang sumabog ito kung sakaling tinamaan nang malakas.

Loading...