[VIRAL] Estudyante ng UE, nag-viral dahil sa pagtuturo sa mga street children

Mga imahe mula sa FB pages ni Dara Mae at UM FREEDOM WALLMga imahe mula sa FB pages ni Dara Mae at UM FREEDOM WALL

Sa mundong puno ng kaguluhan, tila isang maningning na tala ang estudyante ng University of the East (UE) na nakuhanang nagtuturo sa mga paslit sa lansangan. Sadya ngang may mga mabubuting tao pa rito sa daigdig.

Sa post ng UM Freedom Wall  sa Facebook, makikita ang isang kolehiyala ng UE na nagtuturo sa mga batang lansangan.  Kinilala ng netizens ang estudyante bilang si Dara Mae Tuazon. Tinag siya ng kanyang mga kakilala sa naturang post.

Ang post ay may caption na: “Shoutout kay ateng taga-UE na nagtuturo sa mga street children around Gastambide tapat ng UE na magbasa at magsulat at walang halong arte. Salute sayo, ate, kung sino ka man. “

Doon sa post ng UM Freedon Wall ay maraming pumuri sa magandang dalaga. Hindi dahil sa kanyang kagandahang taglay sa panlabas, kundi dahil sa busilak niyang kalooban.

Ayon kay FB user Bradjef Francisco, siya ay isa lamang sa mga maraming nakasaksi sa paglalaan ng oras ni Tuazon sa pagtuturo sa mga bata. Kahit umano maingay at mausok ang kalsada ay hindi ito balakid sa magandang dalaga upang makapagturo.

Isa ako sa mga saksi kung gaano kabusilak ng kanyang puso sa mga bata. Nagbibigay ng oras at panahon upang maibaling ang atensyon ng mga bata sa pag aaral. Hindi madali ang magturo sa lugar kung saan walang maayos na kalalagyan, maingay at mausok dahil sa mga sasakyang dumadaan, subalit hindi alintana ang lahat para lang maturuan ang mga bata,” saad ni Francisco sa kanyang comment sa nag-viral na larawan.

May isang kaeskwela ang dalaga na nagsabing siya raw ay sadyang mahilig sa mga bata.

Sa isang Facebook post ng dalaga ay kanya palang pinost ang dalawang batang kanyang tinuturuan. Ipinanghihingi niya ang mga ito ng mga lumang damit na maaaring suotin ng mga ito.

Ang naturang post na nag-viral ay may nasa 6,7000 reactions, at may halos 2,500 shares na.

Source :

FACEBOOK

Loading...