[Viral] Isang ‘Tricycle Driver’, Bitbit ang Sanggol Niyang Anak Habang Pumapasada

Larawan mula sa Trending News Portal via Facebook page

“Mahirap pagsabayin ang pagtratrabaho at pag-aalaga sa anak; kung kaya’t wala nang hihigit pa sa pagmamahal at sakripisyo na handang ibigay ng isang magulang para sa kanyang anak.”

Sa gitna ng katirikan ng araw, gamit ang baby sling ay bitbit ng isang tricycle driver sa Koronadal ang sanggol niyang anak habang siya’y pumapasada.

Nang tinanong siya ng kanyang pasahero kung nasaan ang ina ng sanggol, sinabi ng driver na naglayas at iniwan na sila ng kanyang asawa.

Ayon sa ulat ng Pinoy Viral News, pumapasada ang nasabing driver kasama ang kanyang anak para sa kanilang ikabubuhay.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon at komento ang nasabing driver, ayon sa Trending News Portal.

Naiyak, nag-alala at humanga ang ilang netizens na nakakita ng nasabing mga larawan.

Saad ng ilang commenters:

Isang Losy N.: “Naiyak ako sobrang bait mo kuya bihira na ang gnyang ama sa panahon ngayon tiis lng kuya at pananalig sa Diyos hindi kanya pababayaan proud ako sa yo isa kang dakilang ama tularan ka sana ng ibang ama God bless sayo at sa baby kuya ‘wag mong pabayaan ang anak mo dahil pagdating ng tamang panahon yan ang gagabay sayo dahil naging mabuti kang ama sa kanya mag ingat kayong palagi ng anak mo kuya.”

Ayon kay Eloisa P.: “Yan ang ama naghahanap buhay habang kasama sa pamamasada ang anak hindi katulad ng ibang lalake dyan saksakan ng batugan hindi na nga mgawang mag hanapbuhay napakatamad pang kumilos s loob ng bahay. Good job po!! God bless.”

Ani Gelay N.: “Nakakaawa naman ang mag-ama na ‘yan, kaya lang kuya npakadelikado ng pagkalagay mo dyan sa baby mo mas mainam kung ipapaalaga mo sa parents mo kung namamasada ka.”

Saad ni Joel A.: God bless kuya and be safe always. Please, siguraduhin n’yo lang po ang kaligtasan palagi ni baby. Napakadakila n’yo napakaswerte ng anak n’yo ikaw ang naging ama n’ya. Balang araw sasabihin ng anak n’yo, TATAY KO TO proud ako!! GOD BLESS!!!!”

Turan ni Odette D: Saludo ko syo kuya isa kang dakilang ama!!!! Huwag mo panghinayangan ang asawa mo walang kwentang ina at asawa yun!! Pagpalain k ng Poong Nazareno.”