[Viral] Mga netizen naawa sa tatay na inabandona ng anak sa ospital; tulong bumuhos

Image from Facebook post of Regine AntuerpiaImage from Facebook post of Regine Antuerpia

MAYNILA, Pilipinas – Matapos mag-viral sa social media ang kuwento ng isang matandang lalaki na inabandona ng sariling anak sa ospital sa Las Piñas kamakailan, maraming netizen ang naantig ang puso at nagpaabot ng tulong.

Noong Marso 14, ibinahagi sa Facebook ni Regine Antuerpia ang kuwento ni Tatay Alfredo Garcia na natagpuan niyang nakahiga sa isang upuan sa waiting area ng Las Piñas District Hospital.

Halos isang buwan na umano si Tatay na nakahiga doon sa upuan matapos iwanan ng anak at hindi na balikan.

Matagal na rin umano itong hindi kumakain nang maayos at puro tubig na lamang na hinihingi niya sa mga tao. Dahil sa gutom, edad at karamdaman, halos hindi na ito makatayo at nananatiling nakahiga na lamang kahit kumakain.

Hindi rin malaman kung nasaan ang mga anak nito – kung sa Bulacan ba o Nueva Ecija – dahil hindi makapagkuwento nang maayos, subalit nabanggit ng matanda na may kamag-anak siya sa Imus, Cavite subalit pinalayas din siya ng mga ito.

Image capture of Regine Antuerpia's Facebook post

Image capture of Regine Antuerpia’s Facebook post

Dahil sa nag-viral na post ni Antuerpia, marami ang naawa kay Tatay Alfredo at nagpaabot ng tulong sa matanda.

Sa pinakahuling update ni Antuerpia, na-admit na umano si Tatay at ginagamot na ito. Ididiretso na rin umano siya sa home for the aged pag nakabawi na ng lakas.

Laking pasasalamat naman umano ni Tatay sa mga nagpaabot ng sari-saring tulong at akala niya raw ay doon na siya sa labas ng ospital mananatili.

Ayon pa kay Antuerpia, nagalit umano sa kaniya ang Las Piñas District Hospital dahil na-bash ito simula nang mag-viral ang kaniyang post.

Basahin ang buong kuwento sa Facebook DITO.

Source :

Facebook

Loading...