Viral video: Isabelle Daza, “world’s hottest math teacher” Pietro Boselli naglaro ng bato-bato-pick na may ‘twist’

Image capture of video by Isabelle Daza via Facebook

Viral sa internet ang video ng aktres na si Isabelle Daza at Italyanong si Pietro Boselli, ang tinaguriang world’s hottest math teacher, kung saan naglaro ang dalawa ng “bato bato pick” na may kakaibang twist.

Tinawag na “bato bato strip” ang kanilang laro dahil mag-aalis ng isang kasuotan ang matatalo sa bawat round.

Si Pietro ay kasalukuyang nasa bansa dahil modelo ito ng isang local clothing brand. Pinaniniwalaang ang video nila ni Isabelle Daza ay isa lang sa serye ng promotional videos kung saan tampok ang Italyanong modelo.

Panoorin ang video, na umani na ng mahigit 1.4 milyong views sa Facebook page ni Isabelle, upang malaman kung sino ang nanalo sa kanilang laro: