VP Robredo, hinamon ng PNP Chief na iprisinta ang mga pulis na gumagawa ng “palit-ulo”

Image from Viral Mirror Image from Viral Mirror

Hinamon ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald De la Rosa si Vice President Leni Robredo na dalhin nito sa kanyang harapan ang mga pulis na sinasabing gumagawa ng “palit-ulo” na pamamaraan ng paghuli sa mga kaanak kapalit ng mga suspek na hindi matagpuan.

Sa video ng kanyang mensahe na ipadadala umano sa 60th United Nations Commission on Narcotic Drugs annual meeting, sinabi ni VP Robredo na kinukuha ng mga pulis ang mga kaanak kapalit ng mga suspek na nakakatakas o nakapagtago at hindi mahuli ng pulisya.

“‘Yung Palit-ulo na version na sinasabi ng Vice President dine-deny ko ‘yan. Kung meron mang kaso na ganyan, I have yet to receive a complaint about that,” giit ni Dela Rosa.

Sa ulat ng Inquirer, ang tunay na palit-ulo, ayon umano sa “insiders” sa PNP, ay ang pagpapalaya o pagpataw ng mas maliit na kaso sa isang suspek kung maituturo nito at magreresulta sa pag-aresto ng mas “malaking suspek.”

Kung maihaharap umano ni Robredo ang mga pulis na sangkot sa sinasabi nitong “palit-ulo” ay bubugbugin niya ang mga iyon sa harap ng Bise Presidente.

“You can just imagine ‘yung version niya ng hulihin ‘yung nanay o ‘yung tatay tapos pag ‘di makita yung suspect o kaya yung kapatid? Napakagago naman ng pulis na ‘yan,”anang PNP chief.

Loading...