VP Robredo, hindi sangkot sa destabilization plot laban sa administrasyon — Pang. Duterte

Image from Filipino Info Image from Filipino Info

Wala umanong kinalaman si Vice President Leni Robredo sa destabilisasyon laban sa kanyang administrasyon; paglilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ABS-CBN, tahasang sinabi ni Pangulong Duterte sa isang pulong balitaan sa Malacañang noong Lunes, ika-13 ng Marso, na ang mga kumpanya ng minahan na negatibong naapektuhan ng mga polisiya ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez ang nagpopondo sa oposisyon upang sirain ang kanyang administrasyon.

Bahagi umano ng destabilization plot ng oposisyon ay gawin siyang “unpopular”, pero nilinaw niyang walang kinalaman doon si VP Robredo.

“I don’t know, maybe destabilization, make me unpopular, ‘yung mangamoy ako. Sige lang, so be it. Tingnan natin. Pero hindi ko sinasabi na kasali si Leni, ha. I don’t want to drag her name,” anang Pangulo.

Dati nang inakusahan ni Pangulong Duterte ang Liberal Party, kung saan kasapi si Robredo, na nagpaplano umano na pabagsakin siya.