‘World’s sexiest nurse’, sinagot ang mga ‘naiinggit’ na bashers

Mga imahe mula sa FB page ni Carina Linn

Ang tinaguriang “world’s sexiest nurse” na si Carina Linn, isang Taiwanese, ay sinagot ang kanyang mga basher kamakailan lamang. Saad niya, ang kanyang pagpo-post ng mga larawan ay hindi niya ginagawa upang maging sikat. Ginagawa lamang umano niya ito dahil nagpapasaya ito sa kanya.

Ang mayuming dalaga ay mayroong 369,000 followers sa Instagram. Ilan sa mga ibinabahagi ni Linn ay ang kanyang mga seksing larawan. Sadyang maganda ang katawan niya.

“My profession is still a full-time nurse as before. I am a nurse, a nurse who does shifts at a hospital. I am not a model or a photographer. Even more so, I’m not taking pictures because I’m trying to be famous,” sabi ni Linn sa website na Stomp, ayon sa isang artikulo ng GMA News.

[Full-time nurse pa rin ako katulad ng dati. Isa akong nurse na nagsisilbi sa isang ospital. Hindi ako isang modelo of photographer. Higit sa lahat ay hindi ako kumukuha ng mga larawan upang maging tanyag.]

“I am me, I do things that make me feel happy, I don’t think that I am anything special or extraordinary, I am just someone leading an ordinary life,” dagdag pa niya.

[Ako ay ako, ginagawa ko lang ang mga bagay na nagpapasaya sa akin. Hindi ko kailan man inisip na higit ako kahit kanino o kaya naman ay espesyal. Isang tao lang akong namumuhay ng ordinaryo tulad ng iba.]

Kaakibat ng kasikatan ng dalaga, maraming kritisismo ang ibinato sa kanya ng mga basher. Sabi ng ibang bashers, ginagawa lamang umano niya ang pagpo-post ng mga seksing larawan upang sumikat.

Ayon naman sa ibang netizens, masyado umano siyang nagpapaseksi sa mga larawan niya sa social media.

“Moreover, you should not have any opinions about me. Why? Because I am serious about work and I am serious about life. You are just miserably behind your screen, being jealous that other people’s lives are more fulfilling than yours,” sagot ni Linn sa mga bumabatikos sa kanya.

[Hindi ninyo ako dapat binabatikos. Bakit? Dahil seryoso ako sa aking trabaho at seryoso sa buhay. Kayo ay mga miserableng naiinggit sa makabuluhang buhay ng ibang tao.]