2-anyos na Bata, Mapalad na Nakaligtas Matapos Madaanan ng Sasakyan

Larawan mula sa You Tube

Masuwerteng nakaligtas ang isang 2-taong gulang na lalaki mula Fujian, China matapos itong madaanan ng isang sasakyan.

Mapapanood sa CCTV footage ang isang lalaking naka-tshirt at nakapantalon at may kausap sa kaniyang cellphone habang papasok sa kaniyang sasakyan.

Hindi napansin ng lalaki ang bata na naglalakad sa harapan ng kaniyang kotse.

Sa pag-andar ng sasakyan nito, bumagsak ang bata at nadaanan lamang ito nang tila walang nangyari.

Nakita rin sa CCTV ang pagbalik ng lalaki upang tulungan ang nasagasaang bata.

Ayon sa ulat ng Stomp, lumalabas sa medical check up na ang bata ay nagtamo lamang ng minor injury mula sa insidente.

Isa lamang ito sa mga kaso ng batang nasagasaan sa China.

Nitong Abril 1, isang 18-buwang gulang na babae ang naatrasan at nadaanan ng gulong habang naglalaro sa daan malapit sa shop ng kaniyang ama, sa Hubei Province, China.

Mapalad namang nakaligtas ang batang babae matapos magtamo lamang  ng minor injury.

Sa mga driver, ibayong pag-iingat pa rin sa pagmamaneho.

Panoorin ang video na ito mula sa You Tube:

https://www.youtube.com/watch?v=-TA36kdLOTI