2 empleyado ng CSWD sa Iloilo, tinanggal dahil sa pagbebenta ng relief goods

Image from Bombo Radyo IloiloImage from Bombo Radyo Iloilo

MAYNILA, Pilipinas – Tinanggal sa trabaho ang dalawang empleyado ng  City Social Welfare and Development Office o CSWD sa Iloilo dahil umano sa pagbebenta ng mga ito ng relief goods mula sa bodega ng lokal na gobyerno.

Kinilala ang mga nasibak na trabahador na sina Jonathan Celis, driver, at si Edwin Florendo na siyang namamahala sa bodega.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, may nakarating umanong impormasyon sa customer care ng Iloilo City Hall na nagsasabing magkakutsaba ang dalawa sa paghahakot ng mga bigas at relief goods mula sa nasabing bodega at ibinebenta raw ito sa ilang sari-sari store sa Mandurriao at Lapaz.

Gamit umano ng dalawa ang sasakyan na pag-aari rin ng CSWD.

Subalit todo-tanggi naman ang dalawang akusado sa mga bintang laban sa kanila.

Dahil sa pangyayari, kaagad na ipnag-utos ng CSWD ang agarang imbentaryo ng mga stocks ng relief goods sa kanilang bodega.

Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ng Iloilo City Government kung mayroon ngang nakalabas na mga bigas at relief goods na hindi nakadaan sa record ng kanilang opisina.

Loading...